Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang government agencies na iwasan ang magarbong Christmas parties bilang pagdamay sa milyon-milyon na naapektohan ng mga sunod-sunod na bagyo sa bansa.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang panawagan ni Marcos ay sa pamamagitan ng isang formal written order, at umaasa sa kabaitan ng bawat kawani ng pamahalaan.
Ayon kay Marcos, sa halip na magkaroon ng magardong Christmas parties ay mabuti na i-donate ang pondo na kanilang maitatabi sa kanilang mga parties sa mga tinamaan ng malalakas na bagyo.
Kasabay nito, nangako ang pangulo na mararamdaman ng mga lugar na sinalanta ng mga bagyo ang spirit of Christmas ng maaga sa pamamagitan ng relief goods at assistance para muli nilang maipatayo ang kanilang mga bahay at magkaroon ng pangkabuhayan