
Sumailalim sa medical observation si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kagabi bilang precautionary measure matapos ang hindi mabuting pakiramdam.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing, nasa stable condition ang Pangulo, subalit pinayuhan na magpahinga at imomonitor ang kanyang kundisyon.
Idinagdag pa ni Castro na patuloy na gagampanan ng Pangulo ang kanyang mga responsibilidad habang sumasailalim sa medical care at bumalik na siya sa Malacañang.
Tumanggi si Castro na ilahad ang medical condition na naranasan ng Pangulo.










