TUGUEGARAO CITY- Binigyan diin ni Major Ericson Bulusan, information officer ng Northern Luzon Command ng AFP na walang nakapasok na ISIS sa Tuguegarao City.

Reaksion ito ni Bulusan sa kumakalat ngayon na text messages na may nag-check-in sa isang lodge at nagpulong sa isang fast food chain sa Tuguegarao City na mga dayuhan na sinasabi nilang ISIS members na balak umanong magsagawa ng karahasan sa “Afi Festival” ngayong linggo ng lungsod.

Kasabay nito, sinabi ni Bulusan na ang kumalat sa social media na alert memo mula sa NOLCOM kaugnay sa posibleng banta ng ISIS attack sa Tuguegarao at sa iba pang lugar sa Luzon ay nasa proseso pa lamang ng validation.

ang tinig ni Bulusan

Samantala, mahigpit na binabantayan ngayon ng mg pulis ang lodge na sinasabing dito nag-check-in ang pinaghihinalaang mga ISIS.

Ito ay matapos na nakipag-ugnayan ang PNP sa may-ari ng lodge upang alamin kung may mga dayuhan na kahina-hinala na nag-check-in sa kanilang lodge.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit sa CCTV footage ng lodge, wala naman nakitang dayuhan na nag-check- in dito.

Sa kabila nito, normal pa rin ang sitwasyon sa nasabing lodge.

Samantala, umaasa si Rocma Birus, treasurer ng Muslim Association sa Tuguegarao City at Arabic teacher na mananatiling payapa ang kanilang Eid Al- Adha na magtatapos ngayong araw na ito.