Pinatalsik ng Kongreso ng Peru ang kanilang presidente na si Jose Jeri na apat na buwan pa lamang sa kanyang termino.

Ito ay may kaugnayan sa eskandalo na hindi pagsisiwalat ng kanyang pakikipagpulong sa isang negosyante ng China.

Bumuto ang 75 mambabatas pabor sa pagpapatalsik kay Jeri, habang 24 naman ang tumutol, at tatlo ang nag-abstain.

Kasunod nito pipili ang mga mambabatas ng bagong pinuno ng Kongreso na siya ring uupo bilang pangulo, kung saan ito ang pang-walong presidente sa Peru sa loob ng maraming taon.

Si Jeri ang ikatlong na pangulo na tinggal sa puwesto.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi Ruth Luque, isa sa mga mambabatas na sumuporta sa pagpapatalsik kay Jeri, na gusto niyang mapalitan ang pangulo ng lider na uunahin ang interes ng publiko at ang seguridad ng kanilang bansa.

Itinakda ang halalan sa pagpili ng bagong pangulo ng Peru sa April 12.