Muling sinilbihan ng warrant of arrest ang isang detainee sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Sta. Teresita, Cagayan sa kasong sexual assault.

Kinilala ang akusado na si alyas Tonyo, 47-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng bayan ng Buguey.

Nakakulong ang nasabing lalaki dahil sa kanyang unang kaso na panggagahasa.

Ang warrant of arrest laban sa akusado ay mula sa Regional Trial Court, Branch 9, Aparri, para sa kasong Sexual Assault na may kaugnayan sa Section 5 (B) ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), na may kasong kriminal at may rekomendadong piyansa na Php180,000.00.

Kaugnay nito, sinabi ni PCOL Mardito Anguluan, director ng PNP Cagayan na patunay ito na walang ligtas ang mga lumalabag sa batas, lalo na ang mga umaabuso sa mga kababaihan at mga kabataan.

-- ADVERTISEMENT --