Nagbabala ang isang miyembro ng Senado na posibleng tumaas ang presyo ng bilihin sa bansa bunsod ng giyera sa pagitan ng Iran at Israel.
Sinabi ni Sen. Francis Tolentino na malaki ang magiging epekto ng giyera gaya ng pagtaas ng gasolina.
Aniya, nararapat lang itaas ang sahod ng mga manggagawa para makontra ang pagsirit sa presyo ng bilihin bunsod ng giyera sa Middle East.
Ayaw naman ni Tolentino na daanin sa regional wage board ang dagdag sahod ng mga manggagawa dahil mas mainam ang legislated wage hike.