Magkakaroon ng magkakahalong galaw sa presyo ng produktong petrolyo simula ngayong araw.

Habang muling tataas ang presyo ng gasolina, may rollback naman sa diesel at kerosene.

Batay sa abiso ng mga oil companies, magtataas sila ng P0.10 kada litro sa gasolina.

Samantala, may bawas-presyo na P0.70 kada litro sa diesel at P0.60 kada litro sa kerosene.

Nauna nang inihayag ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) ang inaasahang rollback ngayong linggo, dulot ng labis na suplay ng krudo sa pandaigdigang merkado, pagbaba ng global oil demand forecast, at pagkalma ng geopolitical tensions.

-- ADVERTISEMENT --

Noong nakaraang linggo, tumaas ng P0.30 kada litro ang presyo ng gasolina habang nabawasan ng P0.20 ang presyo ng kerosene. Walang galaw sa presyo ng diesel noong panahong iyon.

Sa kabuuan, mula Enero hanggang Oktubre 14, 2025, umabot na sa netong pagtaas na P15.20 kada litro ang gasolina, P17.85 kada litro ang diesel, at P5.85 kada litro ang kerosene.