Inanunsiyo ng ilang kumapanya ng langis na magpapatupad sila ng panibagong P1.20 kada litrong dagdag-singil sa gasolina ngayong linggo.

Epektibo ito simula Martes, Disyembre 9, 2025.

Walang namang pagbabago sa presyo ng diesel at kerosene.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng gasolina at ika-34 na dagdag ngayong taon.

Inaasahang patuloy na magiging mabigat para sa mga motorista ang sunod-sunod na paggalaw ng presyo sa susunod pang mga linggo.

-- ADVERTISEMENT --