Ramdan na ang dobleng itinaas sa presyo ng ilang pangunahing bilihin tulad ng gulay at isda dahil sa epekto ng naranasang malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan.

Sa kabila ito ng babala ng Department of Trade and Industry na bawal magtaas ng presyo ng mga bilihin habang nakadeklara ang state of calamity sa buong lalawigan.

Ayon kay Encarnacion Ricera ng Philippine Statistics Authority (PSA) Cagayan na resulta ito ng malaking pinsalang iniwan ng bagyo at amihan sa lalawigan at sa papalapit na Pasko na nangangahulugan ng mataas na demand.

Sa price monitoring ng PSA, tumaas ng 50% ang presyo ng mga sari-saring gulay na pang-pakbet na naglalaro hanggang P120 mula sa dating P60.

Katuwiran ng mga nagtitinda ay maraming nasalantang taniman ng gulay kaya nagmahal ang kanilang bili mula sa kanilang supplier sa Isabela at Pangasinan.

-- ADVERTISEMENT --

Apektado rin ng malawakang pagbaha ang mga isda sa lalawigan kung kaya bahagyang tumaas ang presyo nito na inaangkat pa sa Navotas

Wala namang paggalaw sa presyo ng mga karne tulad ng manok, baboy, kalabaw at baka.

Dagdag pa ni Ricera na posibleng magtatagal ang pagtaas ng presyo ng mga gulay at isda hanggang sa susunod na taon.