
Tumaas ang presyo ng ilang gulay at isda dahil sa epekto ng Habagat at mga bagyong Luis at Maymay.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), umabot na sa ₱1.4 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura, na inaasahang magtutulak pa sa pagtaas ng presyo ng mga produktong galing sa Cordillera, Central Luzon at Southern Tagalog.
Batay sa pinakahuling tala ng DA, nasa ₱180 hanggang ₱350 kada kilo ang cauliflower, ₱40 hanggang ₱150 ang pechay Baguio, ₱70 hanggang ₱170 ang carrots, ₱60 hanggang ₱160 ang repolyo, ₱90 hanggang ₱220 ang ampalaya, ₱110 hanggang ₱200 ang talong at ₱100 hanggang ₱240 ang sitaw.
Tumaas din ang presyo ng isda, kung saan nasa ₱400 kada kilo ang galunggong, ₱160 hanggang ₱320 ang bangus at ₱200 ang tilapia.










