
Bumaba na ang presyo ng mga highland vegetables gaya ng broccoli, patatas, at cauliflower dahil sa mas paborableng kondisyon ng panahon, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Batay sa price monitoring ng DA, bumaba ang presyo ng broccoli sa P180 kada kilo mula P200 noong nakaraang linggo, habang ang patatas ay nasa P140 kada kilo mula P160.
Ayon kay Agriculture Aassistant Secretary Arnel de Mesa, DA spokesperson, natapos na ang panahon ng sobrang lamig at ngayon ay tama na ang klima para sa mas mataas na produksyon ng highland vegetables.
Bumaba rin ang presyo ng ilang lowland vegetables.
Ang kamatis ay nasa P120 kada kilo mula P145 noong nakaraang linggo, habang ang lokal na pulang sibuyas ay nasa P176.67 kada kilo mula P180.
Dagdag ni De Mesa, inaasahan pang bababa ang presyo ng kamatis dahil nagsisimula na ang masaganang ani ngayong dry season.










