Nakitaan ng pagbaba ng presyo ang mga pangunahing bilihin sa bansa, kabilang na ang bigas at kamatis ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang presyo aniya ng regular-milled rice ay bumaba sa P48.12 kada kilo sa ikalawang bahagi ng Enero, mula sa dating presyo nito na P49.15 noong Disyembre.

Naitala rin ng ahensya ang pagbaba sa presyo ng kamatis na bumagsak sa P158.67 kada kilo mula sa P190 noong unang bahagi ng buwan.

Gayunpaman, ipinagbigay-alam ng PSA na nakaranas ng pagtaas ang presyo ng baboy, galunggong, at pulang sibuyas sa parehong panahon.