Inaasahang babalik sa normal ang presyo ng mga gulay lalo na ng kamatis sa buwan ng Pebrero.

Itoy kasunod ng mataas na presyo ng kamatis na aabot ng hanggang P200/kilo sa Tuguegarao City na resulta ng kakulangan ng suplay dahil sa pananalasa ng sunod-sunod na bagyo noong nakaraang taon.

Ayon kay Maria Rosario Pacarangan ng Agribusiness & Marketing Assistance Division ng Department of Agriculture Region 2, simula huling Linggo ng Pebrero ay mag-aani na ang karamihan sa mga magsasaka na nakapagtanim ng kamatis noong Disyembre.

Gayunman bahagya aniyang bumaba sa ngayon ang presyo ng mga gulay kumpara nitong holiday season na napakataas ang demand.

Dahil dito kaya nabigyan ng pagkakataong kumita ng malaki ang mga magsasakang hindi napinsala ang pananim sa mga nagdaang kalamidad.

-- ADVERTISEMENT --

VC Pacarangan