Nasa hanggang higit P300 ang kada kilo ng kamatis sa mga palengke sa Metro Manila habang umabot nang hanggang P280 kada kilo sa Calabarzon na pangunahing pinagkukunan ng naturang gulay.

Sa Metro Manila, nitong weekend ay nagkaroon ng pagsipa ang halaga ng kada kilo ng kamatis dahil sa kakulangan ng suplay na naipapasok sa mga palengke sa NCR.

Sa Calabarzon, tumaas ang presyo dahil sa umano’y nawasak ng nagdaang mga bagyo ang pataniman ng kamatis kayat kakaunti lamang ang na-harvest laluna noong holiday.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) price monitoring, ang kamatis ay ibinebenta mula P200 hanggang P350 kada kilo sa Metro Manila.

Tinaya ng DA na bababa na ang halaga ng kamatis sa nabanggit na mga lugar sa Pebrero sa pagsisimula ng produksyon ng dry season.

-- ADVERTISEMENT --

Noong January 2024, pumapalo lang sa P50-P100 ang kada kilo ng kamatis.