Nananatili pa ring mataas ang presyo ng kamatis sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal o NVAT.
Sinabi ni Engr. Gilbert Cumilla, general manager ng NVAT na nasa P130 per kilo pa rin ang class A ng kamatis.
Ayon sa kanya, ito na ang naitala na pinakamataas na presyo ng kamatis sa NVAT at lalong mataas ito kapag dinadala na ng mga buyers sa ibang lugar.
Idinagdag pa niya na maging ang mga maliliit at malapit nang masira ay nabibili pa rin sa NVAT.
Ayon sa kanya, ito ay dahil sa kulang na supply ng kamatis bunsod ng pagkasira ng mga pananim sa southern tagalog sa pananalasa ng bagyong Aghon.
Dahil dito, dagsaan ang mga buyers sa NVAT.
Samantala, sinabi ni Cumilla na tumaas din ang presyo ng iba pang gulay sa NVAT.
Ayon sa kanya, ang bumaba lamang ang presyo ay ang repolyo, Chinese cabbage, bunga ng sayote, at Baguio beans.