TUGUEGARAO CITY- Wala umanong paggalaw sa presyo ng karne ng baboy sa Cagayan dahil sa walang kaso ng African swine fever sa lalawigan hindi tulad sa ibang lugar.

Sinabi ni Encarnacion Risera, statistical specialist 2 ng Philippine Statistics Authority o PSA Region 2, nananatili sa P180-190 ang presyo ng karne ng baboy.

Bukod dito, sinabi ni Risera na sapat din ang supply ng karne ng baboy sa lalawigan.

Samantala, sinabi ni Risera na tumaas ang presyo ng luya mula sa P100-120 per kilo ay nasa P140-160 na ang isang kilo.

-- ADVERTISEMENT --

Umaabot na rin aniya ngayon sa P350 ang isang kilo ng siling labuyo habang P120- 130 naman ang siling haba.

Sinabi pa ni Risera na may ilang gulay din ang bahagyang tumaas ang presyo tulad na lamang ng repolyo, carrots at chinese pechay.