
Price hike ulit ang magiging paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, August 25.
Ayon sa Department of Energy (DOE), may madaragdag na P2.31 sa kada litro ng diesel.
Mayroon namang umentong P1.08 sa kada litro ng gasolina.
Habang sa kerosene naman ay mayroong P0.95 na taas kada litro.
Ito na ang ikalawang linggong umento sa oil prices.
-- ADVERTISEMENT --








