Tumaas na rin ng hanggang P10 kada tray ang ibinebentang itlog sa mga palengke dito sa Tuguegarao City.
Sa price monitoring ng Bombo Radyo, ang wholesale price ng Jumbo ay P240; P230 sa XL; P220 sa large; P210 sa medium at P200 sa small.
Nasa lima hanggang sampung piso naman bawat tray ng itlog ang dagdag presyo nito para sa retail na locally produced habang mas mataas naman ang presyo nito sa suplay na galing sa Isabela.
Tumaas naman sa P20 bawat tray ang presyo ng itlog pugo na nasa P200 mula sa dating P180.
Nasa piso naman ang dagdag presyo sa kada piraso ng balut at penoy na sa kasalukuyan ay tatlong araw nang walang stocks at sa Biyernes pa magkakaroon na galing pa sa Isabela ang suplay.
Una nang sinabi ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines Inc. (AGAP) na maaaring pumalo sa P10 hanggang P15 kada piraso ang itlog dahil sa taas ng production cost at mga kaso ng bird flu.