Posibleng tumaas ang presyo ng sardinas.

Ito ay matapos na hilingin ng mga gumagawa ng canned sardines na itaas ang presyo ng kanilang mga produkto bunsod na rin pagtaas umano sa presyo ng imported tin sheets dahil sa humihinang halaga ng piso.

Sinabi ni Canned Sardines Association of the Philippines executive director Francisco Buencamino, umapela na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa P3 na dagdag sa suggested retail price (SRP) ng kanilang mga produkto.

Ayon sa kanya, ang SRP ng karamihan ng kanilang mga produkto ay P21, at kanilang kahilingan ay gawin itong P24.

Sinabi niya na umaaray na ang mga canned sardine manufacturer sa mataas na halaga ng tin sheets.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinaliwanag niya na imported kasi ang tin sheets, at habang humihina ang halaga ng piso kontra dolyar, nagmamahal naman ang presyo nito.

Sinabi niya na kung hindi pagbibigyan ang kanilang kahilingan, mababawasan na ang bilang ng mga brands na nasa SRP level, o mas marami ang mas mahal na mga sardinas.