TUGUEGARAO CITY-Nanawagan ang bantay bigas group sa gobyerno na magkaroon ng “Price Control“ sa mga farm inputs o mga gamit ng mga magsasaka sa pagsasaka.
Ayon kay Cathy Estabillo ng Bantay Bigas group, malaki ang nagiging capital ng mga magsasaka sa kanilang pagtatanim gayong napakababa naman ang pagbili ng kanilang mga ani.
Aniya, kung magkakaroon ng price control ang binhi, abono maging ang grudo at iba pa ay magkakaroon din fix na budget ang mga magsasaka sa kanilang pagsasaka.
Sinabi ni Estabillo na dapat ay tugunan rin ng gobyerno ang mga hinaing ng mga magsasaaka dahil sila ang nagpoproduce ng ating mga kinakain.
Kaugnay nito, sinabi ni Estabillo na tuloy-tuloy ang kanilang panawagan na itaas ang presyo ng mga aning palay sa P20 para magkaroon din ng kita ang mga magsasaka.
Samantala, tinawag ni Estabillo na “band aid solution” ang umano’y ibibigay na suporta ng gobyerno sa mga magsasaka na P600 rice fund kada buwan.
Sa naganap na hearing kasama ang mga magsasaka, inintroduce ng Department of Agriculture at National Food Authority (NFA) ang P600 na ibibigay na suporta sa mga magsasaka.
Sinabi ni Estabillo na layon ng gobyerno na bigyan ng tulong lalo na ang mga maliliit na magsasaka na naapektuhan sa Rice Tarrification Law.
Ngunit, ayon kay Estabillo na hindi ito ang kailangan ng mga magsasaka sa halip ay derektang suporta para mababa ang gastos sa pagsasaka at para hindi malugi.