TUGUEGARAO CITY-Maayos at walang namomonitor ang Department of Trade ang Industry (DTI)-Batanes na nagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin kasunod ng pagdeklara ng State of calamity sa buong probinsiya ng Batanes dahil sa naranasang magkasunod na lindol nitong madaling araw ng Sabado.

Ayon kay Marietta Salviejo ng DTI-Batanes, maayos na sumusunod ang mga negosyante sa prize freeze lalo na sa bayan ng Basco na siyang commercial center ng nasabing probinsiya.

Nilinaw rin ni Salviejo na walang masabing price freeze sa bayan Itbayat dahil karamihan sa mga business establishment ay nakasara at hanggang sa ngayon ay takot pa rin ang mga nesgosyante na muling bumalik sa kanilang mga establishimento dahil sa banta ng aftershocks.

Kaugnay nito, sinabi ni Salviejo na sapat ang supply ng mga pangunahing pangangailangan nga mga residente sa lugar dahil buhos ang tumutulong.

Ang tinig ni Marietta Salviejo ng DTI-Batanes

Samantala, pinuri naman ni Salviejo ang mga ivatan sa kanilang mga ipinapakitang pagtutulungan sa isa’t-isa.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, bago pa nagsidatingan ang mga tulong mula sa iba’t-ibang ahensiya at grupo para sa mga biktima ng lindol ay una nang nagbigay ang mga negosyante sa mga kapwa Ivatan.