Nagpaalala Department of Trade and Industry sa Cagayan na umiiral pa ang prize freeze matapos na ideklara ang state of calamity sa lalawigan kasunod ng pananalasa ng bagyong Julian.
Kasabay nito, nagbabala si Mar Allan ng nasabing tanggapan na mapapanagot ang mga mapapatunayan na hindi sumusunod sa prize free sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon sa kanya, tatagal ng dalawang buwan ang prize freeze mula nang ito ay ideklara noong October 7.
Ayon kay Allan, kung may mapapansin na biglaang pagtaas ng presyo ay kuhanan ito ng larawan at ipadala sa FB page ng DTI para sa kaukulang aksion.
Kaugnay nito, sinabi ni Allan na sapat ang suplay ng basic neccessities sa lalawigan matapos ang pananalasa ng bagyong Julian at Kristine, batay sa kanilang monitoring.
Samantala, sinabi ni Allan na hinihintay na lamang nila ang guidelines para sa pautang na ibibigay sa mga micro, small, and medium enterprises na naapektohan ng pananalasa ng dalawang bagyo dito sa lalawigan.