Masusundán sa sususnód na linggó ang ikinasáng bigtime fuel price hike ngayóng linggó.
Sa pagtatayá ng mga kompanyá ng langís, mulâ P1.40 hanggáng P1.80 ang madadagdág sa presyo sa kada litro ng krudo, P1.00 hanggang P1.40 sa gaás at 95 na sentimo hanggang P1 naman sa gasolina.
Ang mga dahilan ay ang patuloy na digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, gayundín ang tensyón sa pagitán ng Israel at Hezbollah.
Inaasahan din ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na tataás na pangangailangan sa langís.
Ngayóng taón, ayon sa Department of Energy (DOE), umangát na ng P6.90 ang halagá ng bawat litro ng gasolina, P6.00 sa diesel at 35 sentimona naman sa gaás.
-- ADVERTISEMENT --