Asahan na ang pagtaas sa presyo ng mga gulay kasunod ng matinding epekto ng nakalipas na mga bagyo sa agriculture sector.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na kadalasan na tumataas sa 10 hanggang 15 percent ang presyo ng mga gulay sa tuwing may nananalasa na bagyo, depende sa lugar na tatamaan ng sama ng panahon.

Ayon sa kanya, asahan ang pagtaas sa presyo sa loob ng dalawang linggo subalit babalik din ito sa normal.

Batay sa price monitoring ng DA, ang isang kilo ng pechay Baguio sa Manila ay mula P90 hanggang P170 noong October 31, o may pagtaas na 50 hanggang 78.9 percent mula sa P60-P95 na presyo na naitala noong October 1, bago ang pananalasa ng bagyong Kristine.

Tumaas din ng 50 percent ang presyo ng carrots na ngayon ay P120-P200 per kilo, at ba pang mga gulay tulad ng talong, tagalog pechay at iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, tinaya ng DA na ang standing crops na posibleng maapektohan sa paparating na bagyong Marce ay 1.08 million hectares, lalo na sa mga lugar para sa rice cultivation.