Naaresto na ng mga pulis ang pangunahing suspek sa pagpatay kay PSSgt. Renato Casauay Jr., na nakita ang kanyang bangkay sa septic tank sa Malolos City, Bulacan.

Kinilala ng mga imbestigador ang suspek na si Julian Salamat, isang police asset.

Matatandaan na una nang sumuko ang dalawa pang suspek sa Bulacan at Isabela sa tulong ng kanilang mga kamag-anak.

Sinasabing ang dalawa ang tumulong na buhatin ang labi ni Casauay at naglinis sa dugo sa crime scene.

Nag-alok ang DILG ng P1 million na pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kuha ng CCTV na inilabas kamakailan ng mga awtoridad, makikita si Casauay na pumasok sa isang compound sa Barangay Mojon at narinig ang sunod-sunod na putok ng baril.

Kalaunan ay nakita si Salamat at mga kasamahan nito na umalis sa lugar kung saan huling nakitang buhay si Casauay.

Una rito, sinabi ni Central Luzon police chief PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., na ang pagpatay ay posibleng may kaugnayan sa dating ginawang operasyon ni Casauay.