Patay ang isang principal matapos na mahulog sa bubong ng elementary school habang naglilinis siya ng mga dahon Bacolod City.
Kaugnay nito, sinabi ni Rep. Emilio Yulo III ng Negros Occidental na nakakalungkot na namatay si Reynaldo Mojares, 60 anyos dahil sa kanyang pagnanais na gumawa ng magandang bagay na labas na sana sa kanyang tungkulin.
Pumunta sa Guinpana-an Elementary School noong July 28, araw ng Linggo kasama ang kanyang asawa at ibang mga guro para sa huling paglilinis bago nagsimula ang pasukan kinabukasan.
Nakita ni principal na may maraming dahon sa bubong ng isang school building at gumamit siya ng hagdan upang tanggalin ang mga ito.
Sinabi ni Arnold Arnaez, tagapagsalita ng Department of Education Negros Occidental Schools Division, nahulog si Mojares sa hagdan at tumama ang kanyang ulo sa lupa.
Ayon kay Arnaez, plano ng principal na magretiro sa Disyembre ngayong taon o sa Enero ng 2025.