Tinanggal na umano sa katungkulan ang principal sa Antique matapos kumalat sa social media ang hindi pagkakaunawaan sa End-of-School-Year (EOSY) rites dahil sa toga.
Kinumpirma ni Presidential Communications Office Undersecretary Atty. Claire Castro na wala na sa posisyon ang naturang principal batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos DepEd Secretary Sonny Angara.
Ngunit paglilinaw niya, tinanggal lamang siya sa pagiging principal dahil ang kanyang lisensya ay hindi naman manggagaling sa pag-uutos ng Pangulo o ng DepEd Secretary.
Matatandaang pinatigil ng principal ang EOSY rites ng mga mag-aaral dahil sa desisyon ng mga magulang na pagsuutin ng toga ang mga senior high school graduates.