Pumanaw na ang prinsipe ng Saudi Arabia na nasa coma sa loob ng 20 taon kasunod ng pagkakasangkot niya sa car accident sa London.
Si Prince Al Waleed bin Khaled bin Talal Al Saud, ang panganay na anak na lalaki ni Prince Khaled bin Talal Al Saud ay namatay sa edad na 36.
Binansagan siyang “sleeping prince” matapos ang mahigit 2 dekadang comatose, kasunod ng aksidente sa edad na 15 nang nang-aaral siya para maging military cadet sa London.
Nagkaroon ng severe brain damage at internal bleeding ang prinsipe sa nasabing aksidente, at sa kabila ng pagsisikap ng kanyang medical team, hindi siya kailanman nagkamalay.
Na-ospital siya sa King Abdulaziz Medical City at nasa ventilator siya hanggang sa kanyang pagpanaw.
Kinumpirma ng kanyang ama ang pagpanaw ng kanyang anak.
Bumubuhos ang pakikidalamhati sa pagpanaw ng prinsipe.