TUGUEGARAO CITY- Nangako ang Philippine Industry Stakeholders Movement o PRISM na patuloy nilang tutulungan ang mga magsasaka na apektado ngayon dahil sa pagbaba ng presyo ng palay dahil sa Rice Tarrification Law.
Sinabi ni Rowena Dalicion, national convenor ng PRISM, makikipagpulong sila sa mga magsasaka at iba pang may kaugnayan sa rice industry upang makabuo ng mga hakbang na matugunan ang nasabing problema.
Ayon sa kanya, sisikapin din nila na makadalo sa kanilang pulong ang ilang opisyal ng Department of Agriculture upang maiparating ang hinaing ng mga magsasaka.
Sinabi ni Dalicon na bagamat sila ay millers, apektado pa rin sila sa Rice Tarrification Law dahil sa kokonti na lang ang kanilang nabibiling palay.
Ayon sa kanya, ito ay lalala kung mas marami pang magsasaka ang mawawalan na ng gana na magsaka dahil sa malaking lugi nila sa pagsasaka.
Idinagdag pa ni Dalicon na sana ay makita ng mga kinauukulan sa pamahalaan na talagang may hindi magandang epekto ang Rice Tarrification Law.
—with reports from Bombo Ma rvin Cangcang