TUGUEGARAO CITY- Posibleng makakatanggap din ang Police Regional Office II ng isang helicopter ngayong taon.
Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson PBGen Bernard Banac sa kanyang pagbisita sa rehiyon kamakailan.
Ayon kay Banac, nasa proseso na ang national headquarters sa pagbili ng karagdagang helicopters na ipapamahagi sa ibat-ibang regional police unit sa buong bansa at posibleng isa ang PRO 2 sa mabibigyan.
Gayonman, sinabi ni Banac na kailangan pang pag-aralan ang distribusyon ng mabibiling helicopter na gagamitin ng PNP sa kanilang operasyon kontra kriminalidad, logistic support at iba pang pangangailangan sa panghimpapawid tulad ng rescue operation sa panahon ng sakuna o mhga kalamidad.