photo PNP-PRO2

TUGUEGARAO CITY-Nagsasagawa na ng “manhunt operation” ang Police Regional Office(PRO-2)sa grupo ng dalawang suspek sa panununog ng Vote Counting Machine (VCM)sa Jones, Isabela kasabay ng midterm election nitong Lunes.

Una rito , hinarang at sinunog ng grupo ng mga suspek na sina Jayson Leanyo ng Sta Isabel, Isabela at Rodel Pascual ang sasakyan maging ang dalawang VCM na dadalhin sana sa Jones, Isabela.

Ayon kay Police Lt. Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PRO-2, kinilala ang mga suspek na sina Leanyo at Pascual sa tulong ng mga pahayag ng mga saksi sa panununog.

Aniya, pinababa umano ng mga suspek ang mga tao at tanging ang VCM at ang sasakyan lamang ang kanilang sinunog.

Kwestyonable naman para kay Iringan kung bakit walang convoy na mga miembro ng kapulisan at militar ang mga nagdala ng VCM nang mangyari ang panununog.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kanilang hanay sa pangyayari kasabay nang paghahanap sa mga suspek.

Kaugnay nito,hinimok ni Iringan ang mga suspek na sumuko na para pagbayaran ang kanilang ginawa at linisin ang kanilang pangalan kung sakali man na wala silang kinalaman sa nasabing inisidente.

Samantala, nilinaw ni Iringan na tanging ang dalawang VCM lamang umano ang nasunog at hindi nadamay ang mga balota.