Tuguegarao City- Tiniyak ng Police Regional Office 2 (PRO2) na may sapat at akmang kagamitan ang pulisya kaugnay sa pagtulong sa lumalaganap na 2019-novel coronavirus sa rehiyon.

Ayon kay PLTCOL Chevalier Iringan, Tagapagsalita ng PRO2, mayroong sapat na mga medical equipment, ambulansya at mga holding unit facilities ang PNP na maaaring gamitin ng mga medical experts upang labanan ang naturang sakit.

Sinabi pa ni Iringan na nakahandang tumulong ang medical team ng Regional Command sa Department of Health (DOH) upang matukoy at mahanap ang mga indibidwal na kinakailangang obserbahan sa rehiyon.

Una rito ay nagsagawa ng information dissemination ang PRO2 sa mga personnel ng PNP Stations sa rehiyon kaugnay sa banta ng nCoV.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang nagpalabas din ng direktiba ang Philippine National sa mga lower units na tumulong sa paghahanap sa mga pasahero ng ilang eroplanong sinakyan ng mga Chinese na unang nagpositibo sa nCoV.