Lumipad na ang Europa Clipper ng NASA mula sa Florida kahapon, at patungo sa nagyeyelo na buwan ng Jupiter upang tuklasin kung mayroon itong mga sangkap para mabuhay.
Inaasahan na makakarating ang SpaceX Falcon Heavy rocket ang buwan ng Jupiter na Europa sa loob ng lima at kalahating taon.
Kasunod nito ay kinumpirma ng NASA na matagumpay na nakakuha sila ng signal mula sa probe at ang maraming solar arrays nito na dinisenyo para makakuha ng mahinang ilaw na nakarating sa Jupiter, ay nabuksan na.
Pahihintulutan ng mission ang US space agency na makita ang mga bagong detalye tungkol sa Europa.
Sinabi ni NASA official Gina DiBaraccio, titignan kung habitable o puwedeng tirhan ang ocean world, at ibig sabihin ang kanilang hinahanap ay ang tubig.
Ayon sa kanya, kung may mga sangkap ng buhay sa nasabing buwan, isa pang mission ang gagawin para subukan na tukuyin kung ano ito.
Ang nasabing probe ang pinakamalaki na ginawa ng NASA para sa interplanetary exploration na may lapad na 30 meters at fully extended ang panels nito.
Ang layunin ng mission ay para malaman kung ang tatlong sangkap na kailangan para sa isang buhay na ang tubig, energy at ilang chemical compunds ay matatagpuan sa nasabing buwan.
Magtatagal ang pangunahing mission ng karagdagang apat na taon.
Gagawa ng 49 close flybys sa Europa, na lalapit hanggang sa 25 kilometers sa itaas ng surface ng buwan.