TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng kauna-unahang casualty ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Probinsiya ng Apayao, ngayong araw, Agosto 26, 2020.
Batay sa abiso ng Apayao Provincial Government, binawian ng buhay ang 16-anyos ,lalaki at locally stranded individuals (LSIs) na ikalawang kaso ng virus sa bayan ng Calanasan.
Nakaramdam umano ng pagkahilo at pagsusuka ang pasyente hanggang sa mamatay habang nagpapagaling sa kanilang tahanan matapos magnegatibo sa pangalawang swab test.
Lumalabas na dahil sa acute respiratory failure at pineal gland tumor na may obstructive hydrocephalus status post ang ikinamatay ng pasyente ngunit ikinokonsidera pa rin itong covid-19 related dahil hindi nito natapos ang 14-day quarantine bago masabing fully recovered sa naturang virus.
Muli namang isinailalim sa swab test ang pasyente kahit binawian na ng buhay kung saan negatibo pa rin sa virus.