Nagpositibo sa COVID-19 test ang isang 60-anyos na magsasaka na dinala sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City mula sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Leticia Cabrera ng Department of Health RO2 kaugnay sa isang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ang pasyente ay walang travel history sa mga lugar na mayroong positibong kaso ng virus o hindi rin nagkaroon ng pagkakasalamuha sa sinumang nagpositibo sa COVID-19.

Gayonman, may anak umano itong OFW na galing Taiwan na umuwi noong February 19.

Nakaranas ang pasyente ng pag-ubo noong April 20 at ini-refer sa CVMC noong April 24 kung saan lumabas ang resulta nito na positibo sa virus.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na sinusuri ang pagkakahawa ng pasyente at ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Sa kabuuan, nakapagtala ang rehiyon ng 31 na CONFIRMED CASES kung saan 26 na dito ang nag-negatibo sa sakit at isa ang nasawi.