Nakuha ng probinsiya ng Cagayan ang ika- 18 pwesto sa Top 20 Most Competitive Provinces sa buong bansa sa 2023 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) survey ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay OIC Provincial Tourism Officer Jennifer Baquiran, ang puwesto ng probinsiya ay umakyat sa ika-18 mula ika-40 noong nakaraang taon sa 81 na mga probinsiya sa buong bansa.

Ang CMCI Survey ay taunang ranking ng mga siyudad at munisipalidad sa buong bansa na nakatuon sa apat na mahahalagang “pillars” o pangunahing pamantayan kabilang dito ang Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, at Innovation.

Kasabay nito, pinuri ni Baquiran ang mga municipal LGUs at isang City sa Cagayan na nagbigay ng papuri at karangalan sa probinsiya para sa kanilang aktibong partisipasyon sa CMCI.

Ang ibang city at municipal LGU awardee sa Cagayan ay ang Tuguegarao City, Sanchez Mira, Abulug, Solana, Sta. Teresita, Allacapan, Sta. Ana, Tuao, Ballesteros, at Rizal.

-- ADVERTISEMENT --

Ginawaran din ang Tuguegarao City sa pagiging una sa overall competiveness sa mga component cities sa government efficiency habang kabilang rin ito sa Top 5 sa lahat ng 4 pillars na malaking ambag upang maiangat ang lalawigan sa CMCI survey.

Umaasa naman si Baquiran na magiging daan ang naturang resulta upang makahikayat pa ng mas maraming investors sa lalawigan na magpapaangat sa pamumuhay ng bawat Cagayano.