TUGUEGARAO CITY-Idineklarang “drug cleared province” ang Quirino at 92 na barangay sa Region 02 na pinangunahan ni Director General Wilkins Villanueva ng Philippine Drug enforcement Agency (PDEA).

Mula sa 92 barangay, 47 ay mula sa Cagayan, 33 sa Isabela , 10 sa Nueva Vizcaya at dalawa sa lungsod ng Santiago.

Kasunod nito, kinilala ni Villanueva ang ginawang effort ng oversight committee, mga local government unit (LGU) maging ang hanay ng kapulisan upang tuluyang malinis ang mga nasabing barangay at isang probinsiya mula sa illegal na droga.

Ginawa ang nasabing declaration matapos makapasa sa screening at validation na ginawa ng oversight committee on barangay drug clearing na binubuo ng kinatawan ng PDEA,PNP at iba pa.

Ayon sa director general, ipagpapatuloy ng PDEA ang nasimulan na kampanya para malinis ang buong bansa mula sa illegal na droga sa tulong na rin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito,umapela ang opisyal sa publiko lalo na sa mga gumagamit at nagbebenta ng illegal na droga na itigil na ang kanilang illegal na gawain .