TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng bagong kumpirmadong kaso ng covid-19 ang Probinsya ng Apayao,ngayong araw , Agosto 20,2020.
Batay sa advisory mula sa Provincial Government ng Apayao ang bagong nagpositibo ay isang 32-anyos na babae, government employee at residente sa Barangay Poblacion sa bayan ng Calanasan, Apayao.
Napag-alaman na mayroon siyang 2nd level close contact sa pasyente na naunang nagpositibo sa virus sa naturang bayan.
Sa ngayon, pumalo na sa 32 ang kumpirmadong kaso ng covid-19 sa buong Probinsiya ng Apayao kung saan 11 dito ang aktibong kaso at 21 ang nakarekober.