TUGUEGARAO CITY-Nakatanggap ang lalawigan ng Apayao ng 20 units ng isolation tents mula sa Dangerous Drugs Board (DDB) na gagamitin para pang isolate o quarantine sa mga maitatalang kumpirmadong kaso ng covid-19.
Ayon kay Apayao Gov. Eleanor Bulot-Begtang na malaking tulong ito dahil magkakaroon na ng karagdagang isolation unit para sa mga umuuwing mamamayan ng Apayao.
Aniya, patunay lamang ito na buhay na buhay ang bayanihan spirit sa panahon ng krisis.
Kaugnay nito, pinuri ni Chairman Catalino Cuy ang gobernador sa ginagawang pagsisikap na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa gitna ng pandemya at prayoridad pa rin nito ang pagpuksa sa illegal na droga.