Tugeugarao City- Nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang probinsya ng Cagayan simula ngayong araw (Hulyo 16) na magtatagal hanggang Hulyo 31.
Ito ay matapos maglabas ng anunsyo ang Inter-Agency Task Force kung saan pinahintulutang maibaba ang quarantine classification ng probinsya mula sa dating Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Maalalang kamakailan ay nagsumiti ng apela si Cagayan Gov. Manuel Mamba sa IATF na luwagan na ang ipatutupad na restriction sa probinsya dahil sa tuluy-tuloy na pagbaba ng growth rate ng active cases at average daily attack rate ng COVID-19.
Sa opisyal na pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque bukod sa probinsya ng Cagayan na kabilang sa GCQ with heightened restrictions, isinailalim naman sa GCQ ang mga probinsya ng Isabela, Santiago City, Nueva Vizcaya, Quirino at ang probinsya ng Apayao.