TUGUEGARAO CITY-Inihayag ni Dionica Alyssa Mercado, tagapagsalita ng probinsya ng Kalinga na isang linggo na silang wallang naitatalang bagong positibo sa covid-19.

Ayon kay Mercado, ito ay resulta ng mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols sa kanilang mga mamamayan at ang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang Local Government Unit (LGUs).

Ipinapatupad din ang mandatory 14-day quarantine sa mga dumarating na Locally stranded Individuals (LSIs) maging sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).

Aniya, istrikto rin nilang hinihingan ng travel authority at I.D ang mga indibidwal na pumapasok sa kanilang bayan para masiguro na hindi carrier ng virus ang papasok sa kanilang probinsya.

Sa ngayon, sinabi ni Mercado na 11 na lamang ang aktibong kaso ng covid-19 ang kanilang minomonitor.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Kalinga ay nakapagtala ng 196 na kumpirmadong kaso ng Virus mula noong buwan ng Hunyo kung saan 185 na rito ay nakarekober na at nasa mabuti nang kalagayan.

Samantala, wala ring naitalang namatay sa nasabing virus sa probinsya ng Kalinga.