TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ngayong araw, Nobyembre 26, 2020 ng 12 kumpirmadong kaso ng Coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang lalawigan ng Kalinga.

Positibo sa virus ang 52-anyos na babae na nagkaroon ng closed contact sa isang nagpositibo ng virus na mula sa Poblacion Lubuagan.

Locally Stranded Individual (LSI)naman ang nagpositibong 18-anyos na lalaki ng Brgy. Bulo, Tabuk City.

Kasama rin sa nagpositibo ang isang 26-anyos na lalaki na mayroong kasaysayan ng paglalakbay na residente ng Brgy Calanan, Tabuk City at 60-anyos na babae na mayroong nakasalamuha na positive case mula lower Bangad, Tinglayan.

Nakasalamauha naman ng 39-anyos na kasama sa kumpirmadong kaso ang isang index case mula lower Bangad,Tinglayan.

-- ADVERTISEMENT --

Mula Macutay,Rizal,kalinga ang isa pang nagpositibo na 43-anyos habang mula naman sa Babalag, Rizal ang 17-anyos na babae na kasama rin sa nagpositibo.

Kasama pa sa mga nagpositibo ang 28-anyos na lalaki na isang LSI, tatlong kalalakihan na 36-anyos, 66-anyos, 58-anyos at 9-anyos na babae na pawang may exposure sa mga unang nagpositibo at residente ng Bangad, Tinglayan.

Naka-isolate na ang mga pasyente sa mga temporary treatment facility sa kanilang lugar.

Sa ngayon, nasa 338 na ang kumpirmadong kaso ng covid-19 sa Kalinga kung saan 276 ang gumaling na o nakarekober habang 61 ang aktibong kaso at isa ang nasawi dahil sa virus. with reports from Bombo Marvin Cangcang