Nanawagan ang isang agriculture group sa pamahalaan na magkaroon ng product expansion ng manok at isda sa bansa sa gitna ng muling pagdami ng kaso ng African Swine Fever (ASF).
Sinabi ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) na nagdudulot ng banta sa supply ng karne ng baboy ang ASF, lalo na sa mga barangays na may aktibong kaso.
Ang karne ng baboy ang ikatlong pangunahing source ng karne sa bansa, kasunod ng manok at isda.
Ayon sa grupo, mahalaga ang production ng ibang sources ng protein, lalo na at papalapit na ang holiday season na tumataas ang demand.
Idinagdag pa ng grupo, ang importasyon ng dressed chicken, o ang mga kinakatay para sa pagkain, ay kailangan na mapababa at sa halip at mag-focus sa local production.
-- ADVERTISEMENT --