Bahagyang tumaas ang produksion ng mga isda dito sa lambak ng Cagayan nitong nakalipas na taon.

Sinabi ni Atty. Arsenio Bañares ng Bureau of Fisheries and Aquatic Rescources o BFAR Region na umabot sa mahigit 47,000 metrics tons ang fish production noong 2023 mula sa mahit 45,000 metric tons noong 2022.

Dahil dito, sinabi ni Bañares na tumaas din ang fish sufficiency lecel sa Region 2.

Sinabi ni Bañares na ito ay resulta ng kanilang mga ipipinapatupad na mga short at long term programs at mga proyekto para matulungan ang mga mangingisda na madagdagan ang kanilang produksion.

Ayon sa kanya, pinapanatili nila ang fishing capacity conservation and management at maging ang pamamahagi ng mga fingerlings.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi naman ni Rodamel Soriano, na nagsagawa sila ng massive dispersal ng fingerlings para sa rehab at regular nitong nakalipas na taon na umabot sa 30 million.

Ayon sa kanya, ngayong taon naman ay aabot sa 25 million na fingerlings ang kanilang ipapamahagi, 15 million para sa rehab at 10 million para sa regular.