Matagumpay na isinagawa ang Project Angel Tree sa pangunguna ng Department of Labor and Employment sa pakikipagugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng baggao sa tulong ng Public Employment and Service Office.
Namahagi ang Department of Social Welfare and Development ng Food Packs at Sleeping Kits, Department of Health ng Hygiene Kits at fruit-bearing trees seedling mula Department of Environment and Natural Resources Office sa mga 50 benepisyaryo ng child labors sa bayan. Nakatanggap din ng Livelihood kits ang mga 39 parents/guardians ng child laborers na nagkakahalaga ng P780,000.00 libong piso.
Ang Angel Tree project ay naglalayong magbigay ng hanay ng mga serbisyong panlipunan na mula sa mga gamit sa paaralan, pagkain at mga hygiene kit na magagamit ng mga beneisyaryo sa mga child laborer at kanilang mga pamilya sa ating mamamayan.
Ang programang ito ay bukod tangi na isinagawa sa bayan, dahil sa buong lalawigan ay napili ang naturang bayan para sa aktibidad. Nagpapasalamat naman ang Lokal na Pamahalaan sa mga iniabot na tulong sa mga benepisyaryo, na malaking bagay para maiangat ang kabuhayan ng mga mamamayan.