Matagumpay na naisagawa ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang isang fund raising activity sa rehiyon na may layuning pondohan ang “project class home” na programa ng Department of Education.
Ayon kay Ruben Bastero, director ng NCIP RO2 na ang pondong nalikom sa fund raising activity ay ilalaan para sa proyekto ng DEPED na naglalayong ilapit sa katutubong agta ang paaralan.
Aniya, magbibigay ito ng kaaya-ayang pasilidad para sa mga katutubong agta upang mahikayat na makapag-aral at makapag-tapos ng elementarya na accredited ng DEPED.
Sa oras na makatapos sa elementarya, maaaring maipagpatuloy ng mga benepisaryo ang kanilang pag-aaral sa Senior High hanggang sa kolehiyo.
Sinabi ni Bastero na maraming mga agta ang hindi nakakapunta sa paaralan o sa pormal na edukasyon dahil sa accesibility at kahirapan.
Sa ngayon, mayroon nang “project class home” sa bayan ng Rizal sa Cagayan at isa rin sa Isabela na planong madagdagan ng NCIP.