TUGUEGARAO CITY-Inilunsad ang “project class home” sa Masi Elementary School,Rizal,Cagayan kasabay ng regional kick off ng brigada eskwela sa Region 2 ngayong araw.
Sinabi ni Amir Aquino,tagapagsalita ng Department of Education Region 2 na layon ng nasabing proyekto na makapagpatayo ng mga dormitory,apat sa Brngy.San Juan,dalawa sa Masi at dalawa rin sa Bural para sa mga estudyante na malalayo ang kanilang mga lugar sa mga eskwelahan.
Sinabi ni Aquino na napili ang Rizal para sa nasabing aktibidad dahil sa nais niyang matulungan ang mga paaralan sa nasabing bayan at iparamdam ang serbisyo ng gobyerno.
Bukod dito,sinabi ni Aquino na inaprahan din ni DepEd Region 2 Director Estella Cariño ang integration ng San Juan at Bural Elementary school upang makapagbukas sila ng highschool upang hindi na kailangang pumunta pa ang mga mag-aaral sa Mawanan na masyado nang malayo sa mga nasabing lugar.
Sinabi pa ni Aquino na ang kanilang panauhing pandangal sa nasabing aktibidad ay si Atty.Salvador Malana,undersecretary for operations ng DepEd.
Nabatid na karamihan sa mga nag-aaral sa mga nasabing lugar ay mga katutubo.