TUGUEGARAO CITY-Muling isasagawa ng Department of Trade and Industry (DTI)-Region 2 ang “project Hilom” ng ahensya bukas, Oktubre 29 hanggang 30, 2020.
Layon nitong tulungan ang mga magsasaka at mga maliliit na negosyante na mailapit at maibenta ang kanilang produkto sa mga mamimili.
Maliking bagay din ito sa mga consumers dahil nakakatiyak na mura at sariwa ang mga produkto na kanilang mabibili mula sa nasabing aktibidad.
Mayroon din umanong “padday na lima plastic of hope” kung saan naglalaman ito ng mga produktong nakatuon na pang-agahan, healthy snacks at covid free basket.
Kinakailangan lamang na magdala ng eco-bag at sundin ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask ,face shield at pag-obserba sa social distancing.
Nabatid na ito na ang pangalawang beses na isagawa ang naturang aktibidad kung saan unang ginawa ito noong Setyembre 17, 2020. with reports from Bombo Efren Reyes Jr.