Hindi muna lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P6.352 trillion national budget plan para sa susunod na taon sa December 20, 2024.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi matutuloy ang nakatakda na paglagda sa General Appropriations Act sa December 20 upang mabigyan ng sapat na pagkakataon para sa masusing pagbusisi at pag-aaral.
Ayon kay Bersamin, nakikipag-konsulta si Marcos sa mga pinuno ng mga pangunahing departamento sa isinasagawang assessment.
Sinabi ni Bersamin na bagamat hindi nila maihayag kung kailan ang petsa ng paglagda, kumpirmado naman na may ilang items at provisions sa national budget ang ive-veto ng pangulo para sa interes at kapakanan ng publiko, upang makatugon sa fiscal program at naaayon sa mga batas.