Lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala para sa national budget para sa 2025 sa December 30 o sa Lunes ng susunod na linggo.

Sinabi ni Presidential Communications Office chief Cesar Chavez na isasagawa ang paglagda sa panukalang national budget na P6.3 trillion pagkatapos ng mga aktibidad sa paggunita ng Rizal Day.

Kinumpirma naman ni Senator Aimee Marcos na isasagawa ang paglagda sa 2025 General Appropriations Act (GAA) sa nabanggit na araw.

Isasagawa sana ang paglagda noong December 20 subalit ipinagpaliban ito dahil sa nagsagawa pa ng assessment ang Pangulo sa nasabing budget.

Makikita sa final version ng panukalang national budget para sa susunod na taon ang malalaking bawas sa maraming public services.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang sa mga bawas ang P86 billion mula sa Social Welfare and Development, P74.5 billion mula sa Philippine Health Insurance Corporation, at P12 billion mula Department of Education.

Ang mga pagbabago sa budget ay bunsod ng mga pagkondena at pagtuligsa ng maraming grupo, na nagbunsod din para kay Senator Marcos na sumang-ayon sa posibilidad ng reenacted budget sa halip na isulong ang 2025 General Appropriations Bill.